United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi niya maaaring di ipaalam kay Leoning ang ganito sapagka't si Leoning ang tanging kanyang inaasahang makapagpapaligaya sa kanyang buhay. Si Leoning ang dalagang hindi nawawala sa kanyang gunita, di niya maaaring kalimutan. Maging sa pagkain man ay nais niyang laging kapiling kung mangyayari lamang sana. Nais niyang lagi silang magkakasalo sa dulang.

Ang mga mata ko'y aking pinagala sa loob ng dulaan, at ¡oh, anong pagkakataon! Sa palkong kapiling ng aking kinalalagyan ay may namasdan akong isang babaeng himala ng ganda. Sa biglang pagkakita ko'y hindi ko nakilala kung sino, datapwa't nang aking titigan ay nasayahan ang aking pusong kung ilan nang taong hindi hinihiwalayan ng lungkot at nanariwa sa aking gunita ang nakaraang panahon.

Ang Inang may lumbay ay di mapaghaka ang nangyaring yaong anaki'y himala agad pumasok sa kanyang gunita na yao'y isang mahalagang mutya. Kaya't minagandang kaniyang ialay sa Hari ang batong puspos karikitan binalot na niya na pinakainam at saka dinala sa Haring maran~gal.

Mata'y idinilat at saka nagturing salamat, Dalmacia, at ikao'y dumating ako'y nakalimot at ang muláng dahil sa búhay n~g aking amang guiniguiliw. Pinatáy sa maling hatol n~g kastila n~g dahil sa sumbong n~g masamang dila, ito nama'y dina halos nawawala sa piling n~g aking lihim na gunita.

Bagama,t, marahil ang inadhica,i, ang bun~ga nang inyong pagcapan~ganyaya, cahima,t, di ninyo sinasapantaha,t, malayong malayo uari sa gunita. At sa inyo naman aquing inihandog yaring duc-hang gugol nang isip na capos, marapatin nauang tangapin nang loob ang inadhica co na icalulugod.

Hindi kita naging palad na gaya ng aking pagasa . Ang mga ganitong bagay ay hwag mo ng hihintin ko pang isalaysay sa iyo. Anopa't ikaw na ang bahalang magtanong sa sarili mong gunita kung ano ang kahulugan ng sinabi ko: hindi kita palad at ako naman sa iyo ay gayon din. Nalalaman mo Eduardo, na, ni kahit saglit ay hindi na kita maaaring magkausap pa.

Hindi pa rin nakakatkát sa kanyang gunitâ ang mga himutók, at pananambítan ng dalágang anák ng amáng iyon anák na sa isang sandalî ay inagáwan ng magúlang, at pinagnakáwan ng tánging kayamánan ng isang dalága: ang saríling púri. At ang nagnákaw, ang naglubálob sa lusák sa púring iyón ay siyá rin, siya si Kápitang Memò!

Iyan ang paraan kung bakit ko nakilala ang inyong pangalan. Kaya hindi na ninyo ipagtataka kung bakit sinabi kong nakilala nga kitang malaon na ay di paris ng pagkikilala nating ngayon na pinagabot ang mga kamay. At, kung bakit hindi napapawi sa akin gunita ang inyong pangalan?

At ang m~ga isdang naglisaw sa tubig makaliligayang malasin n~g titig balang malalaki'y may tibong matulis at ang balang munti ni walang palikpik. Kaya n~ga at walang pan~gambang sagpan~gín at hindí gunita na makahihirin, datapua't kung minsa'y nabubulunan din kapág ang sisilá'y panabong sasamín.

Cong sa gunitâ co,i, pagcuru-curuin ang pagcahulog mo sa camay nang tacsíl, parang naquiquita ang iyóng naratíng parusang marahás na calaguim-laguim. At alin ang hirap na icacapit sa iyó nang Duque Adolfong malupit icao ang salamín sa Reino nang bait pagbubuntuhang ca nang malaquing gálit.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap