United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !


Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbót na siya,i, gantihin sa ipinautang na loob. Cun may gumauá nang magaling sa caniya ay pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan, sapagca,t, isang capalamarahán, isang casiraan nang puri, ang di cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.

Maigui ring carlitan muna sa liig ang maysaquit, na totoong malubha na, n~guni houag lalaliman ang carlit, bago tacluban nang ventosa roon. Pinapagmumumog naman siya nang bilin sa número 19; at pinasisipsip nang sin~gao nang tubig na mainit na macaanim maghapon.

Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo, ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano sa ualang sakit ay anhin ang médico? Cundi sa talaga na may man~ga damdam doon ang médico,i, kinacailan~gan, sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay ang totoong lunas ay masusunduan.

Aquing natatantô, ina, na ang matalas mong bait, ay nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari ni Amadeo, cun di ang magandá niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na ibigáy sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong man~ga ilang arao.

N~guni at nang siya'y dumating sa bahay hapo na sa gutom ang asawang hirang anitong babae ay bakit nabalam diwa yata'y ikaw ay nakipagsugal. Sagot nang lalaki ang iyong pesetas ay nabayad lamang na lahat sa alak ang kainumang ko ay niyong matapat ako sa tindaha'y kanilang tinawag.

Cun gayon ay susundin ang man~ga turo sa párrafo 414 at 415, at gagauin ang man~ga bilin sa man~ga capítulo 81, sa 82, sa 84 at 85. N~guni bucod doon sa man~ga dahilang yaon, mayroong tatlo pa mandin na cun minsan nacacapagdala nang convulsión sa man~ga bata, sa macatouid: cun mayroong man~ga bagay na nabubuloc sa sicmura,t, tiyan nang bata, na yaon ang isang dahilan.

Toto,t, sa caniyang loob na sarili ay siya ang tan~gi na hamac at imbi; n~guni,t, ang matouid capag sinasabi hindi nan~gin~gimi na parang bayani. Laguing uiniuicang ang catotohana,i, tiquis ilaladlad sa harap ninoman; at ang puso niya,i, sapagca,t, dalisay ay di nagagahis niyong catacutan.

Sa lamesa, ay sabihin mo cay Honesto, na cun macaquita nang bata na naquiqui guiit sa matanda, idinuducot ang camay, naquiquicain, ay di ina-anyayahan, ay pacailagan ang gayong masamang asal sapagca,t, nacasisira nang puri sa ma~gulang at nauiuica, na di tinuroan nang magandang caasalan. Houag maquiquiloclóc sa matatanda, cun di pagutusan at pilit pilitin. Sa pagcain, ay iilagan ang pag uubó, at cun hindi mangyari ay tumindig, gayon din naman ang paglura, pagdahác, pagsin~ga, ang pagbahin, at cun di maiilagan at cun minsan ay mabiglaanan, lumin~gon sa cabila, tacpan ang bibig nang panyó, at nang houag mahalatang lubha. Ilagan nang bata ang pagcamot camot, at iba pang gauang cahan~galan sa pagcain. Houag magpapauna sa matatandá sa pagsubo; houag magsasalita cun di tinatanong, at cun matanong naman ay sumagot nang maicli at banayad; n~guni, lilinisin muna ang bibig nang servilleta cun mayroon, at cun ualá ay panyó at houag sasagót nang lumilinab ang bibig at namumualan. Houag magpapaquita nang galit sa naglilingcód sa lamesa, sapagca,t, isang caualan nang bait, na para rin naman nang cumaing namumunó ang bibig, nagdudumali dalás-dal

Naghain sa Dios nang sarisaring novenas, ó pagsisiam na arao, nagtiis nang hirap nang ayuno, at man~ga ibang pasáquit, at pumasoc sa ibang convento, sapagcat siya ay ayao tangapin sa inalisan; n~guni anoman ang gaoin, at saan man pumaroon, ay hindi mapalagay, at parating iquinababalisa ang nagauang sala.

FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan.