United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pintor at poeta'y iyan ang pan~garap sapagka't nandiyan ang buhay n~g dilag. Paka-ilagan mo ang satsat at daldal, gayon din ay huag kang magdunung-dunun~gan; n~guni at huag namang parang piping tunay pagka't ito'y tanda n~g pagka-walang muang. Kung may kasama kang dapat na dan~galin ikaw ay lumagay sa kaliwang piling, at kung sa banketa'y gumilid kang tambing sa dako n~g bakod siya'y padaanin.
Kung masalubun~gan ang isang babayi sa m~ga banketa na aking sinabi ay dapat gumilid ang isang lalaki ó bumabang saglit, ang gayon ay puri. Maging kahit sino ang iyong masundan, kung ibig mong siya'y iyong malampasan, ikaw ay bumaba ó gumilid lamang, sa dako n~g bakod ay huag kang magdaan.