United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't ang kabayong nagn~gin~gitn~git mandi'y hindi napigil n~g nagpapalakad kung hindi nang halos ay mabunggo na lamang n~g kanilang kalesa ang kalesang sinasapantaha nilang kinaroroonan ni Tirso at ni Elsa. Sa gayo'y kapwa walang maalamang gawin sa pan~gun~gubli, dahil sa malaking pagaalaalang sila'y makikita n~g makata at n~g mestisa, kung ang m~ga ito'y magsiibis sa sasakyan.
Umano'y sa m~ga kadawagang iyaón nan~gun~gublí ang m~ga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad.