United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayon din ang ginawang hanap-buhay n~g kanyang m~ga kapatid. 6. =Ano pa ang kaniyang ginampanang gawain upang mabuhay?= Nang si Bonifacio'y nakapagsanay na sa pagsulat, siya'y nasok na utusan sa bahay kalakal ni Fleming, at pagkaraan n~g ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan n~g nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili n~g sahing, yantok, at iba pa.
Kaya, nang mairaos na ang pulong na nagpasiya n~g pagsalakay sa Maynila, ay iniutos ni Bonifacio kina Emilio Jacinto at Guillermo Masangkay na isabog sa ilang pook n~g Maynila ang m~ga kasulatan na sadyang inihanda ni Bonifacio at nang m~ga alagad niya, na nagpapakilalang ang m~ga nan~gakalagda ay m~ga kinaalam at kasapi sa "Katipunan," bagaman ang totoo, ay hindi, at ang m~ga kasulatang yao'y ginawa lamang at hinuwaran ang lagda n~g ilang m~ga litaw na mayayaman at marurunong na pilipino nang sa gayo'y mapasubo o isubo sila sa ginampanang paghihimagsik n~g bayang maralita, sa ikabubuti n~g lahat.