United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isang munting pangnan na yari sa panay na bulaklak, m~ga saglitsaglít na bulaklak n~g m~ga sariwa't nagbaban~guhang bioleta, pitimini, klabel, tsampaka, kampupot, ilangilang, rosas-de-pasion, alehandria, kamuning at kung anoano pang hiyas n~g m~ga halamanan sa Singgalong; na binagayan n~g man~gilann~gilang dahon n~g papwa, malba-rosa, at m~ga baging n~g kadena-de-amor; na walang tan~ging laman kundi isang kalapating singputi n~g gatas, na sa kanyang makinis na tuka'y taglay ang isang munting tarhetang may ginintuang titik.