United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung hindi lamang inaakala kong pahahaba ang liham na ito, at may isang gawain akong nakahahadlang sa akin, ay tutukuyin ko sana rito ang lahat n~g nalalaman ko ukol sa m~ga katha ni Pepe Rivera. Gayon pa man, at sa maiikling salita ay tumukoy rin tayo n~g pasapyaw. Napanood mo ang tatlo niyang dulang "Panibugho", "M~ga Bin~ge" at "M~ga pagkakataon," hindi ba?
N~gayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong niloloob. Ang kamaliang iyan, ay nagamot ni Rivera sa pagtatanghal n~g kanyang "Panibugho". Sa kanyang "M~ga Bin~ge" ay nakuha rin namang naipakilala ang kadalubhasaan n~g kanyang panitik.
Salita Ng Araw