United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinun~go niya ang "caida" upang doo'y maibulalas niya ang canyang capighatian, sa lilim n~g m~ga gumagapang na halaman sa durun~gawan ni Maria Clara. ¡Pagcalakilaki n~g canyang pag-ibig sa canyáng inaanac! ang sapantaha n~g lahat. Pinagmamasdan siya ni fray Salví na hindi cumikilos at hindi umiimic, at nan~gan~gagat labi n~g bahagya.
N~guni't hindî tumutulog, nagpúpuyat, ang batang franciscanong hindî pa nalalaong nakita nating hindî cumikilos at hindî umíimic. Napapatong ang síco sa palababahan n~g durun~gawan n~g canyáng "celda" at saló n~g pálad n~g camáy ang putlai't payát na mukhâ, canyáng pinanonood sa maláyò ang isáng bituing numíningning sa madilím na lan~git.
Salita Ng Araw