United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mataas na hagdan nang pan~gan~gatungculang-hocom ay macapapanhic cun mag daan sa suncaran mulá sa unang baitang n~g m~ga kagauad n~g Hucuman at m~ga Pintacasing catulong, at ang pagtaas ay para n~g sa pan~gan~gatungculang bayan dahil sa catagalan at sa malalaquing paglilingcod na pinatotohanan at minarapat n~g Tanun~gan.
Tatalagahan n~g Kapisanan ang m~ga naglilingcod sa pan~gan~gatungculang Hocom n~g catamtamang bayad, upang magcaroon sila n~g pitagan at casarinlang quinacailan~gan sa maluag na pagtupad n~g mahal nilang catungculan; at huag tutulutan na sa m~ga Kapulun~gan at Hucuman magcaroon n~g m~ga manunulat at iba pang alagad na tagá mababang hagdan na di bibiguian n~g catamtamang upa, upang mailagan ang masasamang gauing pinag apuhan na sa ilalim n~g yamungmong n~g Pamunoang castila.
Salita Ng Araw