United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saca ihulog mo sa palioc na may tubig, at ilagay mo sa mahinang apoy. Hahaluin mong parati nang patpat ang cacao, at yaong lan~gis na lungmulutang sa ibabao nang tubig, iyong ipunin nang isang pacpac nang manoc at ihulog mo sa taza. Ilapit mo sa apoy ang taza nang maiga ang tubig na casama nang lan~gis, at pag naiga na ang lan~gis na natitira ay itago mo sa garrafa.
Ang timbang anim, ó sangpuong pisong Mercurio na yao,i, bibilhin sa Maynila, at itatago sa garrafa. Ang mercurio,i, cailan~gan sa quinagat nang asong ol-ol. Ang isang botellang Salitre, na pati ito,i, bibilhin sa Maynila. Ang ilang Pepita ni S. Ignacio, ó sa Catbalogan. Ang ilang caputol na sun~gay nang usa, na sinunog. Ang halagang dalauang pisong Ruibarbo, na babayohin at itatago sa botella.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap