United States or Andorra ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bucod dito touing guinagamot, ay cailan~gang linisin ang sugat at hugasang maigui nang tubig na malacuco na pinaglagaan nang caunting romero, ó nang dahon nang macabuhay ó lin~gangsina ó hagunoy; ito,i, gagauin bago tapalan.
Ang dahon nang tan~gantan~gan ó lin~gangsina ay totoong galing sa gayong sugat; inilalaga muna ang dahon, at yaon ang ihuhugas na parati sa sugat, bago tapalan noon ding dahong binayo. Ang pinan~gan~ganlang macabuhay, pag inilaga rin ang dahon, at ang tubig ay ihugas na parati sa sugat, at saca tapalan noong ding dahong binayo, ay na nacagagaling naman.
Cun ibig mo, ay matatapalan ang bata nang lin~gangsina na idinadarang muna sa apoy nang madaling gumaling, saca dinoroonan nang tali Cun baga matandang tauo ang linuluslusan, cun bago pa ang saquit, ay hindi rin maliuag mauala; datapoua cun lauon, ay hindi na ma-aari.