United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bumalic na si Ibarra at canyang hinanap si María Clara. Nan~gagsicapit sa canya ang natatacot na m~ga dalagang pawang nan~gan~gatal at nan~gamumutla; dinarasal ni tía Isabel ang m~ga letanía sa wicang latin. N~g pagbalicang loob n~g caunti ang m~ga tao sa pagcagulat, at n~g canilang matalastas cung ano ang nangyari, nag-alab ang galit sa lahat n~g m~ga dibdib.
Hindi na nacawin~gi ang mukhá ni Társilo; nasisilip sa nacasiwang na pan~gisáp ang puti n~g matá, lumálabas sa bibig ang tubig na pusaling may cahalong cumacayat na dugô; humihihip ang han~ging malamíg, n~guni't hindi na nan~gan~gán~galigkig ang canyáng catawán. Nan~gagtin~ginan ang lahát na waláng imíc, nan~gamumutlâ at pawang nan~ga alaguím.
Salita Ng Araw