United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang napanaginip n~g m~ga bayani na tadhanang araw sa lahi kong api, wari'y sumisilang n~g sandaling yaong lahát ay nagwagi at pawang naawit n~g m~ga pagkasi. Sampung m~ga ibong payapang magdamág ay iniyunat na ang kaniláng pakpák; sandalíng dumalit bilang isang bati sa nagharíng galák na sinasayawan n~g palundaglundag.
Hindi kaila kina Tirso't Elsa ang pagdating na yaong pinaggagayakan n~g marin~gal at karapatdapat na pagsalubong n~g boong bayang galak na galak sa tagumpay na tinamo sa pagkapatibay sa Bill Jones . At sila ay nagkaisang manood n~g gagawing m~ga pagdiriwang.
Para sa kanya ay waring laging mabituin ang langit, laging nasisinag niya ang pagasa, ang ligaya ng palad at kaaliwan ng puso. Kaya sa pagpunta niyang yaon kina Leoning ay boong galak halos naguumapaw sa kanyang dibdib ang katuwaan. Inaasahan niyang malayolayo pa siya ay sasalubungin na agad ng ating binibining taglay ang ngiti sa labi.