United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !
At nagtindig ang matandang lalaki, na nagn~gin~gitn~git, at idinagdag, na nagniningning ang panin~gin, malagunlong ang tinig at sinasabunutan ang canyang mahahabang m~ga buhóc: ¡Sumpain acó, sumpain acó na aking piniguil ang mapanghiganting camay n~g aking m~ga anac; acó n~ga ang pumatay sa canila! ¡Cung pinabayaan co sanang mamatay ang may sala, cung hindi sana acó lubós nanalig sa justicia n~g Dios at sa justicia n~g m~ga tao, n~gayon disi'y may m~ga anac pa acó, marahil sila'y nan~gagtatago, datapuwa't n~gayo'y may m~ga anac naman sana acó, at hindi sila sana nan~gamatay sa capapahirap! ¡Hindi aco ipinan~ganac upáng maguing amá, caya wala acong m~ga anac n~gayón! ¡Sumpain acó, na hindi co natutuhang makilala sa aking catandaan ang lupaing aking kinatatahanan!
Salita Ng Araw