United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Matapos ang gayong man~ga pan~gun~gusap ang ulo nang Hari tambing itinaas, man~ga vasallos niya ay cusang namalas na nagtatacbuha't ang tun~go'y sa gubat. Ipinagtatapon ang man~ga sandata at nag-uunahang man~gagtago sila, sapagca't maraming nan~gapapatay na na nalulugami sa pakikibaca.
Nagbalic siyá sa pampáng at napatun~go sa bayan, ¿anó ang dahil? Siyá ma'y hindi niyá nalalaman. Tila mandin walang tao ang bayan; saráng lahát ang m~ga bahay, sampóng m~ga hayop, ang m~ga ásong caraniwang tumatahol cung gabí, pawang nan~gagtagò sa tacot. Nacararagdag n~g lungcot at pag-iisá ang anyóng pilac na liwanag n~g buwan.