United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapwa't hindî pa nasisiyahan ang Filipinas n~g pagkilalang utang na loob sa canyáng maririlág na m~ga anác, at sa pagcaibig niyáng maipakilalang ganáp ang m~ga caisipang umuulic sa canyáng budhî, ang m~ga damdaming sa puso'y umaawas, at ang m~ga salitáng tumatacas sa m~ga lábì, naparito tayong lahát sa piguìng na itó upang papag-isahin ang ating hán~gad, upang bigyang catuparan ang pagyayacapang iyán n~g DALAWANG LAHING nan~gagsisintahan at nan~gagiibigan, na nan~gagcacaisang may apat na raang taon na sa caasalan, sa pagpapanayam, at sa pamamayan, UPANG MANGYARING SA PANAHONG DARATING NA ANG DALAWANG LAHING IYA'Y MAGUING ISA LAMANG NACION SA BUDHI, sa canícanilang m~ga catungculan, sa canicanilang pitháy