United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tumahímic ang m~ga voces at ang pintúa'y....hindî nabucsán. ¿Acó ang tumatawag, ¿macapapasoc ba acó? ang tanóng n~g binátá, na ang púso'y tumítiboc n~g lubháng malacás. Nanatili ang catahimican. N~g macaraan ang sandali'y mararahang m~ga hacbang ang nan~gagsilápit sa pintò, at ibinulóng sa bútas n~g susian n~g masayáng voces ni Sínang.
Napuspos ang ugong n~g m~ga bulungbulun~gan at salisalitaan: n~g magcagayo'y nan~gagsilapit at nan~gagsibati sa binatang si Ibarra ang ilang m~ga tao, at sinabi sa canyá: ¡Sumasainyo cami; huag po ninyóng pansinin ang m~ga iyán! ¿Sinong m~ga "iyan"? ang itinanong na nagtátaca. ¡Iyang m~ga nagsialis at n~g mapan~gilagan ang macapanayam po ninyo!