United States or Fiji ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sinásaysay n~g m~ga historiador na sinasamba at dinídios nilá ang caniláng m~ga núnò at magugulang; n~gayó'y tumbalíc ang nangyayari: ang m~ga patáy ang nagcacailan~gang mamintuhô sa m~ga buháy. Sinasabi rin namáng iniin~gatan n~g m~ga taga Nueva Guinea sa m~ga caja ang m~ga but-ó n~g caniláng m~ga patáy at nakikipagsalitaan sa canilá; sa pinacamarami sa m~ga bayan n~g Asia, Africa at América'y hinahayinan ang caniláng m~ga patáy n~g lalong masasaráp niláng m~ga pagcain, ó ang m~ga pagcaing minámasarap n~g m~ga patáy n~g panahóng silá'y nabubuhay, at nan~gagpípiguing at inaacal