United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang canyáng lisanin ang bahay ni Crisóstomo, warì'y sirá ang isip na tumátacbong hindi nalalaman ang pinatun~guhan. Tinahac ang m~ga capatagan, dumating sa isáng gubat na totoong malakí ang pagcaguiyaguis; tinatacasan ang cabayanan, tinatacasan ang liwanag, nacaliligalig sa canya ang buwan, pumasoc siyá sa talinghagáng lilim n~g m~ga cahoy. Nang naroroon na'y cung minsa'y tumitiguil, cung minsa'y lumalacad sa m~ga di kilalang landás, cumacapit sa punò n~g malalaking cahoy, nababayakid sa m~ga dawag, tumátanaw sa dacong bayan, na sa dacong paanan niyá'y naliligo sa liwanag n~g buwan, nacalatag sa capatagan, nacahilig sa m~ga pampan~gin n~g dagat. Nan~gagliliparan ang m~ga ibong nan~gapupucaw sa caniláng pagtulog; nan~gagpapalipatlipat sa sa isá't isáng san~gá, nan~gaghuhunihan n~g matataos na tinig at tinititigan siyá n~g mabibilog na m~ga matá n~g nan~gaglalakihang m~ga panikî, m~ga kuwago at m~ga sábucot. Hindi silá tinitingnan at hindi man lamang silá náririn~gig ni Elias. Ang acal
Nan~gagliliparan ang m~ga caisipáng itó sa alang-alang na pag-itang mulâ sa sahíg na kinalalatagan n~g magaspáng na baníg, hanggáng sa palupong kinatatalîan n~g dúyang pinag-úuguyan sa sanggól na laláki. Ang paghin~gá nitó'y maluág at payáp