United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagsisiluhód n~g boong gálang ang m~ga nanonood pagca nagdaraan ang carro n~g Ina n~g Dios at nan~gagdarasal silá n~g taimtim sa loob n~g m~ga Sumasampalataya ó n~g m~ga Aba pô.
Hindî maisaysay ang catowâan: libolibong camáy ang sa canilá'y umabót upang iahon silá sa túbig. Nahihibang hálos ang matatandang babae at silá'y nan~gagtatawanan at nan~gagdárasal. Nalimutan ni Andeng na macaatlo n~g sumulác ang canyáng sinigáng: nábubô ang lahát n~g sabáw at namatáy ang apóy. Si María Clara lámang ang hindî macapagsalitâ.