United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Ibig pô ba ninyó ang anó mang gamót? ang itinanóng ni don Filipo, upáng magbago n~g salitaang nacapagbigáy dilim sa mukhâ n~g may sakít. Hindî nagcacailan~gan n~g m~ga gamót ang m~ga mamamatay; cayóng m~ga mátitira ang nan~gagcacailan~gan. Sabihin pô ninyó cay don Crisóstomo na acó'y dalawin niyá bucas, may sasabihin acó sa canyáng totoong mahahalagá.
Ipinagtabuyan, ang canyáng caayaayang m~ga naaalaala n~g Jardín Botánico ; iniharáp sa canyáng pag-iísip ang demonio n~g m~ga pagsusumagsumag; ang m~ga Jardín Botánico sa Europa, sa m~ga lupaing nan~gagcacailan~gan n~g malacás na calooban at saganang guintô upang mapasibol ang isáng dahon at mapabucás ang isáng bulaclác; hindî lamang doon, cung dî sa m~ga "colonia" man ay may mabubuti ang alag