United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa guitna n~g m~ga cain~gayan at caguluhan, sinasamantala n~g m~ga may mahahalay na budhi ang pagcagulat at cahinaan n~g loob n~g m~ga babae; nan~gasisisiticas at nan~gagliligtas sa sarili, sino ma'y walang nacacaalaala sa can~gino man, hindi nariri~nig ang sigaw, hinihimatay ang m~ga babae, nan~gagcacasaguian, nan~gasusun~gaba; dahil sa pagcagulat at pagcatacot ay hindi pinakikinggan ang hibik n~g capurihang nalulugso, at sa calaguitnaan n~g gabi ... ¡at pagca nagcacaibigan!
¡Pabayaan mong turaan co itóng bastos na itong walang hiya! ang sagot n~g babae, at saca biglang itinulac ang canyang asawa, na caunti n~g napasun~gaba, at hinarap si doña Consolación. ¡Tingnan sana ninyo cung sino ang causap! anyá ¡huwag ninyong acalaing aco'y isang provinciana ó isang calunya n~g m~ga sundalo!