United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ipinalimbag ni párî Font at inilaganap sa boong Filipinas at sa boong España ang canyang pasiyang itó, at sa ganitong nangyari ay lalô namang lumakí ang pagmimithî n~g maraming mabasa ang cathâ ni RizaL, caya't ang guinawang iyon ni párì Font ay siyang nacatulong n~g cawasa n~g pagcalat n~g Noli me Tangere sa boong daigdig.

Sa sulsol ni párì Payo ay ipinadalá naman n~g capitan general na si Terrero ang Noli me Tangere sa "Comisión Permanente de Censura" upang ito'y maglagáy namán n~g canyáng pasiya. Si párì Salvador Font, fraileng agustino ang siyang naglagda n~g pasiyá, na doo'y pinacacalaitlait si Rizal hangang sa tawaguing isáng "han~gal" daw na waláng pagpalagyan sa catacsilán at samá. Ang Noli me Tangere , aní párì Font, ay isang paglabág at pamumusóng sa Religión n~g España; isang paglabág at pamumusóng sa Pan~gasiwaan, sa m~ga castilang cagawad n~g Gobierno at sa m~ga Tribunal n~g justicia; isang paglabág at pamumusóng sa hucbó n~g Guardia Civil, isang paglabág at pamumusóng sa icapapanatili n~g m~ga nasasacop n~g España, at pagcatapos n~g ganitong bugsô n~g "paglabag at pamumusóng" ay sinabi niyang sa canya raw pasya at acál

Bucod sa lalong m~ga casakitsákit na m~ga pag-alimura cay Rizal at m~ga pagpaparatang n~g m~ga gawang hindî man lamang napapanaguinip n~g ating capatid na Martir, ay idinugtong pa ni párì Font ang ganitong m~ga salitâ: "ANG TANGING HANGAD ni Rizal ANG CASARINLAN NG LUPAING ITO, at ang adhica niya'y iwalat ang mahal na catibayan n~g Bayang sarili , niyang Bayang sariling sa canya'y nagbigay n~g pagcatáo, na sa canya'y nag-arúg

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap