United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Samantalang binabago niya ang calagayan n~g canyang asawa'y hindi niya nililimot ang canyang sariling catawan: canyang iniwan ang sayang sutla at ang barong pinya at ang guinamit niya'y ang pananamit europea; inihalili niya sa madaling gawing puyod n~g m~ga filipina ang magdarayang m~ga "flequillo", at sa pamamag-itan n~g canyang m~ga pananamit na cagulatgulat ang sa canya'y hindi pagcabagay, binigyang niyang ligalig ang capayapaan n~g tahimic at walang guinagawang m~ga mamamayan.
Ipinag-utos sa lahat n~g m~ga lingcód nila sa bahay na itawag sa canilá ang canilang m~ga bagong titulo, at dahil dito'y naragdagan ang bilang n~g m~ga flequillo, cumapál ang pahid na polvos de arroz, at dumami ang m~ga cintas at ang m~ga encaje, at lalo n~g tiningnang n~g malaking pagpapawalang halaga ang canyang m~ga aba at culang palad na m~ga cababayang babae, na ang m~ga asawa'y mababa ang camahalan cay sa canyang asawa.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap