United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bahagya pang tumutuntong sa guhit n~g pagbibinata, ay nagpakilála na si Rizal n~g nacahahan~gang catalasan n~g pagiisip, caya't minarapat n~g magagandang pusong canyáng magulang na papag-aralin dito sa Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas n~g catalinuhan, at sa catotohana'y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at cumatha n~g melodramang tula, na pinamagatan n~g: Junto al Pasig , at saca isinunod ang A la Juventud Filipina, El consejo de los Dioses at iba pang nacalulugod.
Sa daang Raxa Matandâ ay nagtayô ang m~ga taga Tundó n~g iláng "monumentong" bató na nagpaalaala n~g pagcapagtayô n~g "Liga Filipina" n~g gabí n~g ica 3 n~g Julio n~g 1892, sa tapát n~g lugar na iyón, sa bahay na may bilang 176, daang Ilaya. Ambag na cusâ ni G. Timoteo Páez ang lupang pinagtayuan n~g sinabi n~g monumento.
Dito na nagsimula ang pakikibaka n~g hukbong amerikano laban sa hukbong pilipino na nagtagal n~g ilang taon, hanggang sa napipilan n~g lakas n~g malaki at mayamang Estados Unidos ang kamuraan at kahinaan n~g Republica Filipina.