United States or Cambodia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nangguilalás n~g di ano lamang ang cabo. ¿Bakit baga't "Felipenas" ang kinalabasan at hindi "Felipinas"? Alin sa dalawa: ó sasabihing "Felipenas" ó dapat sabihing "Felipi"? Minagaling n~g cabong huwag n~g umimic n~g araw na iyón, iniwan ang canyáng asawa at main~gat na nuhang tanóng sa m~ga limbag.
Ayon sa sabihanan, kinabucasan n~g araw n~g sa canila'y pagcacasal, sa pakikipag-usap sa canyang asawa, na n~g panahong iyo'y cabo pa lamang, sinabi ni doña Consolacióng "Pilipinas"; inacala n~g cabong catungculan niyáng ipakilala ang pagcacamali at turuan, caya n~ga't canyáng tinuctucan at pinagsabihan: "Sabihin mong Felipinas, babae, huwag ca sanang hayop. ¿Hindi mo ba nalalamang ganyan ang pan~galan n~g iyong p.bayan dahil sa nanggaling sa Felipe?"