United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sacá ang casunod yaong isang lupong sari-saring órden nang fraileng pulutóng dalauang Jesuita na capulong-pulong ni Padre Zamora na nagcura Rector. Isang Agustino at Recoleto naman ang siyang casunód cusang umaacbay sa cay Padre Gómez na nagcura naman at Examinador Vicario sa Tan~guay.
Sapagca't n~ga siya nahalal na cagyat na "Examinador" at una sa lahat cusang "eexamen" estudiong facultad na sino ma't aling ibig macalabas. Sa caniyang pagsunod sa tungcol na dala naguing masamá siya sa fraileng lahat na; datapua gayon man di cumibo sila uari hindi pansin tanang naquiquita.
Caya sa talino at dunong na taglay siya ay nagpari at nagcurang tunay saca nag Vicario Foráneo naman sa bayang Bacoor na sacop n~g Tan~guay. Cahulihulihan nacamtáng tibobos pagca Examinador Sinodal na lubós sa Arzobispado na ualang caayos m~ga carunun~gan na caniyang inimpóc.