United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa laking pag-guiliw ni Blumentritt sa Filipinas ay pinan~galanan ang isang anac niyang babae n~g "Loleng" at ang inuugali niya at n~g caniyang m~ga anac ay ang asal n~g m~ga filipinong may pinag-aralan. Maraming di ano lamang ang m~ga librong sinulat ni Blumentritt tungcol sa Filipinas at ang isa sa m~ga librong ito'y ang "Diccionario Etnográfico de Filipinas."
Ang pantás at bantog na literatang holandesa na nagpapamagat n~g "H. D. Teenk Willink." Si Mr. Manfred Wittich, manunulat na taga Leipzig. Si Dr Betances, político cubano. Si Dr. Boettger, bantóg na naturalista alemán. Si Dr. A. B. Meyer, Director n~g Museo Etnográfico sa Dresde, cárilagdilagang filipinólogo at isa sa lalong totoong nagmamahal cay Rizal.
Ang profesor M. Buchner, Director n~g Museo Etnográfico sa Munich, hirang na totoong malayólogo. Sumulat ang pantás na itó cay G. Ponce at sinabing: "si Dr. Rizal ay ang tagapakiharáp na mahal n~g lahing mahál n~g m~ga tagalog, at ang larawan niya'y na sa lalong mahál na pinaglalagyán sa aming Museo."