United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang cusang sumapit á las sieteng oras yaong bibitayáng binacod na cagyat nang man~ga sundalo na dalá't aquibat nang Segundo Cabo Espinar na hayag. Bitayáng nasabi itinayóng tunay doon sa Espaldón pooc na malumbay at may sampuong metro yaong cataasan sa lupang tuntun~gan sa sabi at saysay.
Ang segundo cabong general Espinar ay siyang umacay sa dinalang caual pauang voluntario cubano n~gang tunay ang iba'y castila't tagalog din naman. Silang calahatan nagsilulang cagyat sa man~ga vapores na hindi nagluat at doon huminto na cusang sumadsad sa Puerto nang Tan~guay na ualang bagabag.
Utos ni Espinar dito na sinunód militar ma't hindi ay cusang tinapos sargento Lamadrid at si Montesinos siyang unang unang namatáy na lubós. Yaong si Morquecho ang quinana naman nang caniyang maquita na uala nang daan nirevolver niya caniyang palipisan sa nasang matapos ang in~gat na búhay.
Nang sa Kabite n~ga sila'y magsidating general Espinar nag-utos na tambing na aniya't panhiqui't agad salacayin ang muog na yaong ualang macahambing. At ang baua't doo'y inyong maabutan babaye ma't báta ay pataying tanán huag paligtasin ang sino't alin man tungcól filipino naguing cautusán.