United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sinabi ni Ibarra sa matandang lalaki sa maiclíng pananalitâ, ang pinagbabalac na escuelahang canyang inihandóg sa canyang pinan~gin~gibig, at inilahad sa m~ga mata n~g nagtatacang filósofo ang m~ga planong galing Maynila na sa canya'y ipinadala. Ibig co sanang ihatol pô ninyó sa akin cung sinosino sa bayan ang m~ga taong aking susuyuin, at n~g lalong lumabás na magalíng ang gawaing itó.
Sa dácong malayôlayô roo'y may natatanawáng kiosko, na nagcacahugpong sa pamamag-itan n~g isáng bálag na nahahabun~gan n~g m~ga dáhon n~g ságuing. Ang maestro sa escuélahang may m~ga tatlompóng bátang laláki ay nan~gaggágawâ n~g m~ga corona, nan~gagtatali n~g m~ga bandera sa m~ga malilíit na man~ga halíguing cawáyang napupuluputan n~g damít na putíng pinacumbô.