United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang Apoplegía, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayón, ay himatayin. Nota. Pinan~gan~ganlan din nang tagalog na himatayin ang nagcacasaquit nang epilepsia, párrafo 409, pati nang dinaraanan nang malaquing desmayo párrafo 439. Caya cailan~gang bacayan ang señal nitong man~ga saquit.

Ang gamot sa sinasauan, na yaong saquit na yao,i, isa rin nang pinan~gan~ganlan nang castilang epilepsia, ó mal caduco ó mal de corazón. Ang pan~galan cun minsan nang tagalog dito,i, suba; ang tauag cun minsan doon nama,i, panhihimatay, capítulo 11.

Ang tauong nanhihimatay, ó ang dinaraanan nang apoplegía, ó epilepsia, cun minsa,i, tila natutuluyang namamatay, bago,i, hindi patay. Caya yaong man~ga gayong maysaquit, ay hindi sucat ilibing muna, cundi maramdamang mabaho baho na. Ang mabuti doon ay hubdan at sangrahan sa camay, at ilagay sa maaliualas na lugar, na bucas ang lahat na don~gauan.

N~guni cun baga lungmingsad ang unang buto nang liig, ay ualang magagauang gamot doon. Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, nahulog sa mataas, ó pinalo nang malacas, at sa dinaanan nang apoplegía ó epilepsia, at tila natutuluyang mamatay.