United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !
May dinaramdam ka ba? ang maamong tanong naman n~g kaniyang kapatid na napaluha rin ano ba ang ibig mong inumin? at umakmang lalabas, n~gunit pinigilan ni Delang sa nasang huag n~g maalaman n~g kanilang tia Enciang ang kaniyang m~ga nasasaloob at tumugon na lamang n~g: Huag ka n~g mabahala may na ala-ala lamang akong isang kalunos lunos na mapagsasapit. Nino?...anó yaon?
Nag agahan, at n~g maluat na'y nag paalam na muli; ang ina na mapag palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya't itoy lumakad na nakatalukbong n~g paniyong sutla at sapagka't di naman lubhang malayo ang bahay n~g kaniyang ali ay agad na narating, walang pan~giming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na lagi niang pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia Enciang na nananahi.
Salita Ng Araw