United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ito nga namang mga lalaki, pag-ibig magsinungaling ¡inaku! hindi mo ako mapaniniwala ... Huwag kang magpumilit, huwag; at baka sabihin ko pang kaalam ka ni Enchay nang ako'y padalhan ng sulat.... At ... namula ka. May katwiran yata ako, ha, ha, ha. ¿Wala? ¿Bakit ka namula? Talagang may sala ka. ¿Namamali ako at iniibig mo pa ako hanggang ngayon? Sagutin ko kung may maasahan ka pa sa akin?

Ang dating magkakilala'y nagkita sa teatro, at kinabukasan ay matalastas ng ating binata ang patatakpong iyon sa dulaan, sapagka't ibinalita ni Edeng. Ang ating binata'y dalidaling nagpaalam upang ang liham ni Manuel kay Enchay ay dalhin sa isa niyang kakilala na mahusay humuwad ng mga titik, upang magpagawa ng dalawa pa, na iba naman ang nilalaman sa tunay na liham ni Manuel.

Sasabihin ko sa iyo: Nang kayo'y may tatlong araw nang nakalilipat sa ibang bahay ay may nagsadya sa amin na isang binatang balingkinitan ang katawan, mataas, malago ang buhok, matangos ang ilong at matingkad pa sa kayumangging kaligatan kulay at siyang nagsabi sa akin na si Enchay daw at ikaw ay nagmamahalan. Ako'y nagalit mandin at waring pati niya'y kinayamutan ko.

Makailang araw ay muli akong nakabalita na kayo nga ni Enchay ay nagkakaibigan at noon ako naniwala ng lubos sapagka't may isang linggo nang hindi mo ako dinadalaw, gayon ma'y hindi ako nagdamdam at sumulat pa ako sa iyo nang kami'y naghahanda ng paglalakbay sa Batangan.

¿Totoo nga kayang ang paghihigpit ng iyong ama ang naging dahilan ng hindi mo pagkadalaw sa akin? ¿Hindi kaya totoo ang nabalitaan kong si Enchay na kababata natin, ang nagbawal sa iyo? Huwag kang magkaila at ipakikita ko sa iyo ang katunayan na si Enchay nga; huwag kang sumumpa at baka ka mapahiya sa dakong huli. Kaylan ko natanggap ang balitang iyon at sino ang naghatid sa akin?

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap