United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagmalasi't, tingnan ninyo ang emperador na bago, siyang nahalili ito doon sa haring amá co. Ipinutong capagdaca yaong cetro at corona, at sa cay doña María ang mahal na diadema. Matapos umagapay na ang bunying emperadora, at cumain ang lahat na sa mariquit na lamesa. Nang sila ay matapos na nang pagcaing mahalagá, nagsi-tindig na lahat na para-parang nangag-viva.

Ang uica niya at saysay haring macapangyarihan, aco ang corderang leal na naparitong nag-lacbáy. Di caya mangyari bagá mahal na vuestra alteza, isang laro'i, ipaquita dito sa novio at novia. Ang uica nang hari't, saysay ó emperatriz na mahal, ituloy ang calaruan sa haráp nang capisanan. Nang ito ay marinig na nang bunying emperadora, quinuha na capagdaca diamanteng singsing niya.

Madali't, salita bagá ay hahaba ang historia, ang lingo'i, nang dumating na gumayác na ang princesa. At sa singsing nganing mahal na caniyang iniingatan, ay humingi capagcuan carrosa niyang sasac-yán. Humingi rin naman siya nang damit emperadora, sa arao na yaón bagá ay lumitao capagdaca. At tambing nangang nagbihis niyong damit emperatriz, lalong nagningning ang diquit serafin mandin sa langit.

Virgeng Ináng mariquit Emperadora sa Langit, tulungan po yaring isip matutong macapagsulit. Sa aua mo po't, talaga Vírgeng ualang macapára, acong hamac na oveja hulugan nang iyong gracia. Dila co'i iyóng talasan pauiin ang cagarilán, at nang mangyaring maturan ang munting ipagsasaysay. At sa tanang nangarito nalilimping auditorio, sumandaling dinguin ninyo ang sasabihing corrido.