United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !


Saka ibinaling sa makata: Tirso, n~gayon ko napagtalastas kung bakit inibig mong mapatiwalag ka sa bakuran n~g Papa ... ¡May labis kang katuwiran!... Samantala, ang dinaranas na pagpupuyos n~g budhi ni Elsa, habang nagiging saksi siya n~g lahat at lahat, ay di mailalarawan n~g lalong bihasang panitik.

Si Elsa naman ay kusang nagpaiwang nagiisa sa loob n~g kanyang silid, na, nang sandaling iyo'y bahabahagya nang nilalaganapan n~g dilim, upang kung mangyayari'y mabigyan niya n~g maluwag na pagkakataon ang pakikipagbulun~gan sa dalamhati n~g kaluluwa niyang ginugutay n~g bagabag....

¿Ano ang sinabi mo? ani Elsa. Isang makisig na mananayaw ... ipinaliwanag ni Tirso. ¡Isang doktor sa piling n~g isang bailarina! mahinayang pang sambit ni Dioni. ¡Bah!

¿Iiwan mo na n~ga ba ako, kapatid ko? ang makasandali'y boong kalumbayang itinanong sa mestisa. Siyang tan~ging marapat kong gawin upang manumbalik ang dating payapang buhay ni kuyang.... Elsa, kung kinikilala't minamahal mo ang iyong kaisa-isang kapatid, ay hindi mo siya nararapat pakitikisan.

N~guni't saglit n~ga lamang, at matapos pairugan ang ilang pamatid-uhaw na magiliw na ipinaganyaya ni Dioni, ay nan~gagpaalam na rin. Si Tirso, na nakasaksi sa tanang nanyari, nang umalis sa pook na iyon ay taglay sa dilidili't siyang pinaglilimi ang m~ga katagang narinig niyang binigkas ni Elsa, ¿Tunay n~ga kayang patuloy kay Elsa ang m~ga pagdadalamhating nasasabi sa kanyang sulat?

¡Huli na yata tayo! mahinayang na saad ni Tirso. ¡At dumating na pala! ani Elsa naman.

Pasalamat na tayo, Elsa, kung iyon na lamang ... At kung gayong nagkakita na kayo n~g wala namang sinabi sa iyo, ay hindi na kikibo iyon. Subali't ¿bakit n~ga ba dito ka nakatulog at di ka na nakauwi? ¡Hindi mo naman dating ginagawa iyan! Di ko n~ga dating ginagawa, Dioni, iyan ang totoo. Dahil diya'y mahuhulaan mo kaipala, na may bagay na nagtulak sa akin sa ginawa ko....

At sa bagay na ito'y ¿sino ang kanyang lalapitan? ¿Sino ang makapagbibigay n~g patibay na kinakaila~gan niya? Sa katatanong n~g ganito sa kanyang sarili, ay nagunita ni Tirso ang mestisang si Elsa, ang pamangking buo ni donya Basilia.

N~guni't ¡ano bang tugtog! one-step n~ga ang narinig niyang pinasimulan, na siyang sinundan n~g pagsasayawan n~g m~ga lalaking panauhin ni Elsa, dapwa't hindi pa halos nakabubuo n~g tigisang inog ang bawa't magkapareha, ay marcha funebre na ni Chopin ang pagdaka'y kanyang naulinigan. Ang sayawan ay biglang natigil. At ang humalili'y ang matunog na halakhakan n~g m~ga lalaki.

Ang huling saad na ito n~g mestisa marahil ay narinig n~g isang lalaking han~gos na pumasok sa tarangkahan n~g bahay na iyon, kaya't buhat pa sa may tapat n~g durun~gawan sa lupa ay malakas nang tumawag. ¡Elsa! Si Elsa ay hindi sumagot. N~guni't di sasalang nakilala niya agad ang tinig na yaon, kaya biglang nagitla at pinamutlaan n~g labi.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap