United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sapagka't hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan n~g isa't isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho n~ga sa loob n~g tanghalang iyon n~g malaking kasayahan, hindi kinukusa n~g sinoma'y nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si Elsa't si Tirso ay kung saan napatun~go; at si Dioni ay napagisang hahanaphanap sa m~ga kasama.

Si Elsa't si Tirso ay dalawang kinapal n~gang sa kabila n~g maraming araw na di pagkakatugunan n~g m~ga damdamin ay magkayapos din ang m~ga palad na nakapasok sa di kawasa sa isang panahong ang lahat ay tamis, layaw at pagibig.... Ang lan~git na namamalas ni Elsa ay sagana sa silahis na kaakitakit, at ang papawiri'y naghahandog sa diwa niya n~g matatamis na guniguni.

Salamat na lamang at ang pagkakatigilan nilang dalawa ay ginambala n~g mahinang salita n~g matandang tagapagpalakad n~g bangka. Sadsad na po tayo. At siya n~ga naman. Nang lin~gunin ni Elsa't ni Tirso ang dakong dulo n~g bangka, ay naanag-agan nilang isang dangkal na lamang halos ang layo sa lunsarang pampang. Sa gayo'y maluwag nang nakahin~ga ang dalaga.

Sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot n~g liwanag n~g kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig n~g bulwagang wala yatang kasinglaki, kaginsaginsa'y nalin~gapan ni Elsa't ni Tirso, samantalang si Dioni'y sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae't isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon n~g m~ga pangarap ... At ang kanilang anyo't m~ga kilos ay siyang nagpapaakala n~g ganito.

Pagkakain n~g agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa anak, at si Elsa't si donya Basilia ay inabang sumama sa kanya. Ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, manang, ang wika n~g mestisa. ¿Ano yaon? itinanong n~g tinukoy.

Kaginsaginsa nama'y sa sisipot sa harap nina Tirso ang magasawang nagpiging sa Pandakan, at han~gos, pagulat at nagdudumaling ginagap n~g babae ang m~ga kamay ni Elsa't ni Dioni, saka ang m~ga ito'y niyayang sumama sa kanila na humanap n~g mabuting pook upang kahi't paano'y masilip man lamang ang mukha n~g reynang sanhi at dahil n~g maraming bulun~gan.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap