United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Tumatalikod n~gayon ang bata! ang palabing agaw pa n~g mestisang sa hipag nakatin~gin. ¡Ikinahihiya yata ang "himala" ni pari Casio! ¡Kawawa naman!... Hindi nalalaman n~g dalawang babae na ang m~ga winikang iyan ni Elsa'y balaraw na umiwa sa damdamin ni Tirso. Naalaala ang m~ga balita ni Martinez.
Si Elsa'y biglang nakaramdam n~g kaba n~g dibdib. ¿Ano na kaya ang ibig sabihin n~g gayong pagtatanong?... Sabihin mo, Elsa, ang wika na namang narinig sa lalaki, ¿natatakot ka bang makipagsarilihan sa akin sa laot n~g kadiliman at sa loob n~g isang bangkang paris nito na tila duyang inuugoy sa ibabaw n~g tubig? At ang mestisa ay nangliliit manding sumagot n~g bahagyang: Hindi naman, Tirso....
¿Di ba tayo pasasa Pandakan? ang mayamaya'y naitanong ni Tirso, nang mamasdan niyang si Elsa'y parang naghihintay sa kanya n~g anomang sasabihin. Oo n~ga, isinagot n~g mestisa, n~guni't mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa Escolta at makapanood sandali n~g sayawan sa Plaza Moraga. Kung gayon, ay tayo na.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap