United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Huwág kikilos ang sino man! ang sigaw n~g sargento. ¡Papúputucan ang cumilos! Hindî inalintana ni Ibarra ang gayóng paháyop na pagmamatapang, tumindig siyá at lumápit sa sargento. ¿Anó ang inyóng ibig? ang itinanóng. Na n~gayón din ay ibigáy sa amin ang isáng may casalanang nagn~gan~galang Elías, na sa inyó'y namimiloto canínang umaga, ang isinagót na may anyóng pagbabál

¡Abá, at síno pa ba? ¡Yaong tampalásang camacalawá n~g hapon ay bumuntal cay párì Dámaso sa daan! ¿Bumuntal cay párì Dámaso? ang tanun~gan n~g iláng voces. Warì'y n~gumitì ang coadjutor. ¡Túnay , caya't nararatay n~gayón si párì Dámaso! Sinasapantahang ang gumawâ n~g gayo'y si Elias ding sa inyo'y naglublób sa pusáw, guinoong alférez. Namulá sa hiya ó sa álac ang alférez.

Elías, ang muling sinabi ni Ibarra; nanggaling ang inyóng casawîang pálad sa aking familia, iniligtas ninyóng macaalawa ang aking búhay, at hindi lamang may malaking utang na loob acó sa inyó, cung di namán cautan~gán co rin sa inyó ang pagsasauli n~g inyóng cayamanan, at yayamang gayó'y sumama cayó sa akin at magsama tayong parang magcapatid. Dito'y sawi rin cayóng capalaran.

N~g macalampas ang sandaling hindi pag-imic na guinamit ni Elías sa pagbasa n~g m~ga caisipang mapapanglaw sa mukha n~g matandang lalaki, nagpatuloy n~g pananalita ang binata: Naparito aco't ibig cong ipakiusap sa inyo ang isang bagay.

Mula niyó'y naglálagalag acó sa m~ga iba't ibáng lalawigan, manacanaca acóng pinararatan~gan, n~guni't hindi co pinápansin ang m~ga tao at ipinagpapatuloy co ang aking paglácad. Itó ang maclíng casaysayan n~g m~ga nangyari sa akin, at ang casaysayan n~g m~ga paghatol n~g m~ga taoTumiguil n~g pananalita si Elías, at ipinatuloy ang pagsagwán.

¡Magaang na magaang! ang isinagot ni Elias n~g boong cahinhinan; ang namamatnugot n~g gayong kilusa'y magcapatid na nan~gulila sa ama na pinatay n~g guardia civil sa capapalo; nagcapalad aco isang araw na mailigtas co sila sa m~ga camay rin n~g m~ga iyong umamis sa buhay n~g canilang magulang, at dahil dito'y capuwa cumikilala sa akin n~g utang na loob ang dalawa.

Ang sabihin pa n~ga ninyo'y dahil sa pagcalaguim na ito'y nararagdagan ang dami, ang itinutol ni Elías.

Samantalang silá'y napapalapít, nararamdaman n~g binatang tumatahip ang canyáng púsò. Hindî niyá sinasadya'y tinun~go n~g canyáng m~ga matá ang cacaibáng m~ga andamio na doo'y nacatayô; nakita niyáng sa canyá'y yumuyucod n~g boong galang ang lalaking naninilaw at siya'y tinitigang sandalî. Pinagtakhan niyá ang pagcasumpóng doon cay Elías, na sa pamamag-itan n~g isáng macahulugang kiráp ay ipinaunaw

Sinusundán ang canyáng matá at hinihiwatigan ang lahát niyáng m~ga kilos n~g isáng mapag-usisang tagabúkid: yao'y si Elias na dumaló rin doo't n~g panoorin ang "ceremonia"; halos hindî siyá makilala dahil sa canyáng salacót at sa anyô n~g canyáng pananamit. Pinagpilitan niyáng siya'y mapalagay sa lalong magalíng na lugar, halos sa siping n~g torno, sa pampang n~g húcay.

¿Diyata po't gayón, guinoó? ang itinanóng ni Elías, na iniunat ang m~ga camay sa panglulupaypay; hindi po ninyo nakikita ang pan~gan~gailan~gan n~g m~ga pagbabagong útos, cayo pa namang nagtamó n~g m~ga casacunaan sa inyong m~ga familia?...