United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Nalalaman pô ba ninyó cung sino si don Pedro Eibarramendia? ang itinanong na nangguiguitil. ¡Si don Pedro Eibarramendia'y yaóng imbíng nagparatang sa aking nunòng lalaki at may cagagawan n~g lahát n~g m~ga sacunáng nangyari sa amin!
Gayón din ang guinágawâ ni Elías, bagá man hindi totoóng natútulig, n~guni't gayón din ang pagdadalidali; datapuwa't humintô, nangdilat, pinapagbiling-bilíng ang papel na hawac at tumanóng na nan~gán~gatal ang tinig: ¿Nakikilala pô ba n~g inyóng familia si don Pedro Eibarramendia?
¡Mangyari pa bagá! ang isinagót ni Ibarra, na nagbúbucas n~g isáng cajón at kinucuha roon ang isáng buntóng m~ga papel; ¡siyá ang aking nunò sa tuhod! ¿Inyó po bang nunò sa tuhod si don Pedro Eibarramendia? ang mulíng itinanóng ni Elías, na namúmutla't siráng sirâ ang mukhâ. Opô, ang isinagót ni Ibarra, na nalílibang; pinaiclî namin ang apellido sa pagcá't napacahab