United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Para ba kay Eduardo ay naglaho nang lahat ang kaligayahan ng kanyang buhay sa ngayon. Wala ng natira kundi pawang mga pangarap na lamang ng mga dumaan. Wala, wala na yata at sadyang hindi na magbabalik ang lahat. Para kay Eduardo ay pawang kapaitan lamang sa buhay ngayon ang naging palad niya. Wala na!

Lahat ng mga taong nabuhat doon ay paraparang nasa kanila ng pamamahay. Nguni't walang ano ano'y sa darating ang isang auto. Anong galak ni Eduardo! Halos mapalundag sa tuwa pagka't sila ay magkakatagpo. Halina at salubugin natin sina Leoning. At, sila ay sabaysabay na nagsipanaog dahilan sa pagasang sa pagibis ng sakay ay aanyayahan sila ni Leoning, na pumanhik muna, sa kanilang tahanan.

Ginawa ni Leoning ay ipinakilala naman kay Fely Ester ang kanyang dating kasayaw na si Daniel Perez. Kaya sa pangyayaring yaon ay nagkapalit ng makakasayaw ang bawa't isa sa kanila: si Leoning ay makakasayaw ni Eduardo at si Ester naman ay makakasayaw ni Daniel Perez.

Maanong sa ngayon ay idulot mo na at kung hihintayin mo pa ang bukas, oh! Leoning, sa aba ko ay wala na! Tila isang libingang napakapanglaw ang kahihinatnan ng palad ko. Kaya, kung may paglingap ka ay igawad mo na ngayon sa akin. Ang ganitong mga pangungusap na binigkas ni Eduardo ay parang lubos na tumagos sa kaibuturan ng puso ni Leoning.

Leoning, kaya marahil, ang lahat ay nabatid na ninyo. Maliwanag kung gayon ang lahat. Para kay Eduardo ay isang karangalan niyang hindi malilimot ang gayong pagkakatagpo nila ng kinatawan. Isang karangalan ng kanyang sarili ang gayong pagpuri pa naman sa harap ng kanyang paraluman. Kay inam na pagkakataon!

Ayaw na siyang sakluluhan ng isang Eduardo sapagka't ang kapighatian niyang yaong naging palad ay dahil sa sumpang nilimot. At, ngayon si Leonora ay hindi na makalapit sa piling ni Eduardo sapagka't para ba sa kanyang sinasabing: Leonora, hala, ako'y napopoot na saiyo, hindi na kita hangad na makita, alam kong wala kang iisang puso, walang iisang pagibig.

At, ngayon ay walang nagiging bukangbibig ang kanyang ilang mga kaibigan at kakilala na di nakamamalay ng kanyang sakit, kundi: Ano kaya ang naging sanhi ng sakit na iyon ng ating kaibigang Eduardo de la Rosa? Pati ang kinatawang Velarde, na, kanyang naging matalik na kaibigan ay nagkaroon din ng kaunting pagkamangha sa kanyang naging palad.

Leoning, naghihirap ang puso ko, huwag na, hala lumayo ka na at may asawa ka, hindi na maaaring ako ay damayan mo pa mga tinitiis kong hirap na ito ng dahil sa sumpa mong nilimot, oo, Leoning, lumayo ka na sa akin, utang na loob. Eduardo, hindi ko matitiis ang ikaw ay maging malubha ng dahil sa akin. Narito ako at dumaramay sa iyo. Nguni't may asawa ka, aking inuulit.

Leoning, alalahanin mong libingan ang kasasadlakan ko kapag nagmaliw ang aking pag-ibig. Eduardo, baka.... Leoning, maniwala ka. Baka sabi mo lamang ang lahat ng iyan. Leoning, malasin mo ang mga bituin, malasin mo ang buwang iyang nagsasabog ng kaliwanagan iyan, iyan ang mga tangi kong saksi.

Eduardo, mangyaring tumawag ka sa maykapangyarihan upang pagusigin ang may masamang hangad na iyon sa akin. Pako, na paano ka? Ano ang ginawa mo at ikaw ay sinaktan ng kung sino? Mapayapa akong naglalakad nang hindi ko hinihintay ay nangyari ito sa akin. Sino ang may kagagawan kaya? Wala akong malay. Diyata?

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap