United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Canilá na yatang nasiyasat ang pagcacatanan? ang ibinulóng ni Elías Humigâ po cayó, guinoo, at cayó'y tatabunan co n~g damó, sa pagcá't daraan tayo sa tabi n~g Polvorista'y baca máino n~g bantay na sundalo cung bakit dalawá tayo. Ang bangcâ ay isá riyán sa maninipis at makikipot na sasakyáng hindi lumalacad cung di dumúdulas sa ibabaw n~g tubig.
Pinagmasdán niyá ang canyáng malalakíng bísig, guinamit ang tan~ging pasiyáng nálalabi at nagpasimulâ n~g pagsagwán n~g boong lacás niyá, na ang tumpá'y sa dacong pulô n~g Talim. Samantala'y sumusun~gaw ang araw. Dumúdulas sa túbig ang bangcâ n~g totoong matúlin; nakita ni Elías, sa ibabaw n~g falúa, na pumípihit, ang ilang taong nacatindíg, na siyá'y kinácawayan.