United States or Western Sahara ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagtayó rin naman isang capisanan dito sa Maynila sa nagpapaaral sa reinong España filipinong tanan ibig na dumunong lahat ay malaman. Caya sa dalauang Regidor na tiquís nangyaring lumagda n~g usiguing pilit tanang filipinos may dunong sa Madrid magcamit título't condecoraciones.

Oo n~ga Marcela't yaon ang matuid han~gang nabubuhay sa silong n~g lan~git, ang tawo'y piliting dumunong ang isip sa kapanahuna'y nang hindí maguipít. Mag-aral n~g m~ga wastong pan~gun~gusap na makakalugdan n~g kinakaharap at yaon ay isang karan~galang sangkap n~g tao kahima't nagmula sa hamak.

¡Anác co! ang biglang sinabi n~g tinig na sira; patawarin mo acó, na hindi co sinasadya'y aking ipinahamac ang iyong caligayahan. Ang mangyayari sa iyo sa hinaharap ang aking iniisip, minimithî co ang iyong caligayahan. ¿Paano ang aking pagpapahintulot na pacasál icaw sa isáng tagá rito, upang icaw ay aking mapanood esposang cahabaghabág at ináng culang palad? Hindi co maialís sa iyóng ulo ang iyóng pagsintá, caya't humadláng acó n~g boo cong lacás, guinawa co ang lahát n~g lihís sa catuwiran, dahil sa iyó, sa iyo lamang dahil. Cung icaw ay naguing asawa niyá, tatan~gis ca pagcatapos, dahil sa calagayang pagca inianác dito n~g asawa mo, na laguing nabibin~git sa lahát n~g pag-api't pagpapahirap na waláng calasag sa pagsasanggaláng; cung maguíng iná ca na'y tatan~gisan mo ang casawiang palad n~g iyong m~ga anác; cung silá'y papag-aralin mo't n~g dumúnong, inihahand