United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa harap nang ating magulang ó matandá caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin.
Ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag n~gan~galotin nang n~gipin at houag namang n~gabn~gabin nang labi. Ang magauit sumutsót at dumhán ang iba nang sabao, ay nacarurumí, para rin naman nang sumigao, mamintás nang ulam, mamulá sa iba, magmadirihin sa quinacain, sapagca,t, nacahihiyá sa may piguing, at nacagagalít sa iba.