United States or Montenegro ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ugaling yao'y ¿naha't di mangyari sa nan~gáriritong kuno'y kahalili ni Cristo, ay bakit hindí bigyang saksí n~g katotohanang pagkamakandili? Hindi't ang lagui naming namamasdan ang kalakhang anyó sa nan~gamamayan lalo't walang limos ang dukhang namatay ni hindí na nila ibig bendicionan.
Pagka't sila'y m~ga laáng mapagkupkup timbulan n~g sala't n~g hindí malunod, ay ¿bakit sa dukhang walang mailimos ang bendición nila'y ipinagdadamót? Dito'y mababalak na ang pagkáukol sa lan~git n~g tauo'y hindí sa bendición kun hindí sa linis n~g puso naroon ang ikararapat sa Dios na Poon.
Karayum ay mura't walang kasaysayan, n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan: karayum na walá sa dapat kalagyan ay nagbabalitang musmos ang may-bahay. Ang damit na iyong dapat na isuot ay huag ang masagwa't huag ang dukhang lubos ang tipon n~g ganda't inam na tibubos na sa katamtamang sa kulay ay ayos.