United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung dito'y manaog ang tunay na Dios at cusang masilip ang asal mong hayop, sa iyo'y icacapit, sa laqui n~g poot bagsic n~g parusang ualang maca ayos. Sa bagay na ito'y ang doroong juez sa curang may sala ay cusang lumapit, at saca nag-uica n~g ganitong sulit dumating ang oras, maghari ang matouid.
Tumugon ang curang may impoc na galit tiguil sinun~galing, icao ang bulisic marunong sa lahat, pati pa n~g lan~git ibig pang maabot n~g haling na isip. Sumagot sa gayon, doroong clérigo n~g uicang mamaya magquiquita tayo, tutun~go sa Juez at isusumbong co ang causa criminal na iniimpoc mo.
Madali,t, salita dumating ang arao ualang ano ano'y, tumangap n~g dalao, n~g isang sacristan , mag-inang tinuran sila'y, tinatauag n~g among sa bayan. Ang mag-inang ito'y, umayo,t, sumama sa doroong tauong alila n~g cura, ualang guni guni, ualang ala-ala cung di ang pan~gacong maguiguing maestra .