United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya Basilia ay biglang nagtaas n~g ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa kabila n~g pinto n~g silid na hinaharap n~g pagkakaupo ni Elsa. ¡Dios ko! ang pabulalas na sigaw na narinig n~g dalawang naguusap. Kumare, malakas na tawag ni donya Basilia sa nasa silid.¿Bakit? Ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon.

Hamo't hindi ako kikibo, ang ayon ni donya Basilia, n~guni't sa malaon at madali ay sapilitang mababalitaan niya ang bagay na iyan; at kung hindi sa iyo o sa akin unang manggagaling ang pagbabalita sa kanya, ay lalo na siyang magkakamatuwid na maghinanakit o magpalagay n~g di mabuti sa nangyari.

Datapwa't si donya Basilia naman ay nalilito sa pagdulang na biglaan sa isip n~g sukat niyang gawing pamamagitan sa magkapatid. Si manang Magda, na bahagya nang napansin at napagpugayan n~g lalaki, ang tan~ging makapagparinig sa dumating: Sinusundo mo na yata siya.

At ang kanyang isinagot: ¿Ikaw ba, Silveira, ay patay na loob na di nakabalita, kahi't balita lamang, tungkol sa milagrong nangyari kina donya Basilia? Lalong nagibayo ang bakla n~g panimdim n~g makata. At itinanong: ¿ Milagro ? ¿Kailan? Nitong ilang araw na kalilipas na bago maalis sa bahay na iyon ang babaeng ipinagtatanong mo. Iulat mo, Martinez. Iulat ay huwag na.

Pagkasabi nito'y hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati na rin ni donya Basilia. Makasandali ay siya namang hinarap n~g matanda ang pagpapahanda n~g agahan, at si Elsa ay naiwang nakapanun~gaw sa isang bintanang paharap sa halamanan. Mapamayamaya pa'y sa lalabas na si manang Magda.

At sa bagay na ito'y ¿sino ang kanyang lalapitan? ¿Sino ang makapagbibigay n~g patibay na kinakaila~gan niya? Sa katatanong n~g ganito sa kanyang sarili, ay nagunita ni Tirso ang mestisang si Elsa, ang pamangking buo ni donya Basilia.

Ang makata lamang ang tumugon: Wala po namang anoman ang pinaguusapan namin ... mahiyahiyang wika na nilakipan n~g isang masayang n~giti. ¿Ano n~ga ba ang inyong dinaramdam, at bakit baga may tali kayo sa ulo? itinanong naman n~g manang. Saka lamang naipaliwanag ni donya Basilia sa kanyang kumare ang kanyang natatalos sa bagay na iyon.

Dito ako matutulog n~gayon, tia, ang marahan n~guni't may lambing na sagot n~g mestisa. ¿Saan ka nanggaling? ang siyasat pa ni donya Basilia. Wala po ... tan~ging naipulas sa bibig ni Elsa. ¿Walang ano? ¿At sino ang iyong kasama? Wala n~ga po.... ¡Ang batang ito! ¡Huwag mo akong patayin sa pagaalaala!

Walang ulikulik n~gang tumawag sa bahay ni donya Basilia ang mestisang pawang kasinun~galingan ang laman n~g ulo nang m~ga sandaling iyon n~g pakikipaglamay sa kasun~gitan n~g gabi. At pagbubukas n~g pinto n~g kanyang ale, ito'y kaagad niyang hinagkan sa kamay, tanda n~g paggalang. N~guni't ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong: ¿Elsa, bakit?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap