United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isáng malamlám na ílaw ang siyáng lumiliwanag sa waláng cahusáyang salas, at siyáng nagpapan~ganínag sa m~ga marurumíng capís na kinapítan n~g m~ga báhay-gagambá at dinikitán n~g alabóc. Ang ginóong babae, ayon sa canyáng pinagcaratihang huwág gumawâ at cakilakilabot; waláng pamuti ang canyáng buhoc liban na lamang sa isang panyong nacatalì sa canyang úlo, na doo'y pinababayaang macatacas ang m~ga maninipis at maiicling tungcos n~g m~ga gusamót na buhoc ang bárong franelang asúl, na siyang na sa ibabaw n~g isa pang barong marahil n~g una'y putî, at isang sáyang cupás, na siyang bumabalót at nagpapahalatâ n~g m~ga payát at lapád na m~ga hit
Salita Ng Araw