United States or Jersey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'y Natuto sa iyong huma~ga't sumamo, Sisihin ang iyong dikit na nagturo Sa kabuhayan ko, n~g pamimintuho. At sino sa iyo ang hindi hahan~ga? Ikaw'y paralumang batis n~g biyaya, Pakpak n~g pan~garap at Reyna n~g awa. Ang dilim n~g gabi sa aki'y natapos, N~gumiti sa tangkay ang m~ga kampupot, Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos. Noo'y isang hapon...

Kung nang unang dako'y hindi ko nasabi Sa iyo ang aking tunay na pagkasi Ay pagka't ang aking puso ay napipi Sa haráp n~g dikít na kawiliwili. Sa n~gayo'y naritó at iyong busabos Ang aking panulat at aking pag-irog; Ang aking panitik: walang pagkapagod, Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos.

N~guni't huwag Tuning, huwag kang tumañgis, ang pagsisisi mo'y aking naririnig; datapwa't irog ko, umahon ka rito't ako ay hahalik sa m~ga pisn~gi mong sakdalan n~g dikit ... ¿Di ka makalabás? sandaling magantay at babawasan ko ang tabon n~g hukayLumapit sa kurus, tinutop ang noong wari'y nagninilay tuloy na binunot ang tanda n~g patay.

Sa kalaguitnaan halamanang ito ay mayroon namang marikit na kubo handang palamigan sa buan n~g Mayo kun ang alinsan~gan ay sumisimbuyó. Dito ri't iba'y may himalang dikít na isang dalagang matalinong isip, anopa't sinoman sa makámamasid ay mahahalatang may lumbay sa dibdib.

Anhin mang lasapin ang mayamang handa di gaya n~g dilag n~g m~ga hiwaga; iyang mapamihag kaligaligayang maningning na tala sa lan~git n~g bayang luoy sa pagluha. Lalo na ang dikit n~g magandang Tuning namamaibabaw sa madlang kapiling, at nakikibagay sa kislap n~g hiyas na lubhang maningning kaya si Ruperto'y nagmamalaki rin.

Kaya't hanggang sa sumapit na ang kalaliman ng gabi na tahimik na ang lahat, ay nagbangon siya at ang maaliwalas at mabituing langit na walang bahid ng ano mang ulap ay kanyang pinagpakuan ng tingin. Kay aliwalas nga naman ng langit noon! Ni badha ng ano mang ulap ay walang masisinag sa kaitaasan. Kabilugan ang buwan. Anong dikit malasin kalangitan!

Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag. Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git.

Sa carrosa ay biglang umibís at sa maralitang bahay ay pumanhík ang kapangyariha'y hindí na nagamit ang puso'y nabaghán sa himalang dikít. Ang mahal na hari tumanong pagdaka. ito baga'y anak ninyong mag-asawa? sagot n~g tinanong dakilang Monarka iyan po'y pulut ko lamang sa aplaya.

Yaong camahalan nang canilang ayos maguing pan~gun~gusap at sa man~ga kilos, anopa't cung ating man~ga-papanood bulaan ang hindi maganyac ang loob. Ang man~ga balitang yao'y nang mabatid nabihag ang pusò nang Haring si Clovis, doon cay Clotildeng balita nang dikit namahay sa pusò ang laking pag-ibig.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap