United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !
May cahoy siyang naquita na tantong caaya-aya, sa caagapay na ibá siyang tangi sa lahat na. Ang daho'i, sacdal nang inam para-parang cumiquinang, diamante'i, siyang cabagay sa mata'i, nacasisilao. Ang naisipan nga niya sa loob at ala-ala, doon na tumiguil bagá itong príncipeng masiglá. Ang nasoc sa calooban ang cahoy na ito'i, siyang marahil hinahapunan nang ibong cong pinag-lacbay.
Nang ito'i, maipahayag naghalili namang agád, nang balahibong icaapat diamante'i, siyang catulad. Nang macacain na naman itong ermitañong mahal, madlang sugat ni don Juan pinagaling niyang tanan. Nang ito'i, masabi na tumaha't, naghalili pa, balahibong icalimá cahalimbaua'i, tumbaga. Nangsila'i lumacad naman sa bundóc at caparangan, si don Pedro ay nagsaysay na patayin si don Juan.