United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Juancho lámang ang nakababatid kun sino ang demonyóng iyon! "Pagsalitaín ngâ natin" ang bigkas ng isang pingkaw "Hoy demónyo! demónyo! magsalitâ ka ngâ." Ang demónyo'y parang bingí. Hindi ináalis ang tingin kay Gerardo na pagkatápos na mabása ang sulat ay lumapit sa may dalá at tumanóng: "Sino kayo?" Ang demonyo'y parang pipi.
Ang bágong-datíng at sakâ ang demónyo ay lumayo sa binatá ng iláng dipá, at nagbulungan. Sandalî lamang at ang demónyo'y pasugód na lumápit kay Gerardo. Sinaklót itó sa liig, at sakâ nagngi-ngitngit na tumanóng: "Walâng-hiyâ, ¿kilalá mo ba akó?"
Salita Ng Araw